Home, Asia, Europe, North America, Latin America and Caribbean, Oceania, News, Sitemap
Home / Asia / Philippines / Your Stories
loading map..

PHILIPPINES

Male to Male relationships: Legal
Punishments for male to male relationships: No law
Female to Female Relationships: Legal
Age of consent: Equal for heterosexuals and homosexuals
Is it possible to change your gender on official documents?: No
Gay or lesbian able to serve in the armed forces: Yes

Your Views

Are you LGBTI? We want to hear from you! Help us inform other users of the site with your views on this country. Below is a random question about this country. If it is relevant to you please answer it.

Have you adopted as an LGBTI person in PHILIPPINES?

The majority of people visiting this site have said I would like to but it is illegal

I would like to but it is illegal (50%) Tried, but denied (7%) Yes (0 %) Yes, with my partner (14%) Never tried (28%)

The Your Stories section is all about you! Please take a minute to tell visitors of the ILGA website about what LGBTI life is like in reality. Please submit your personal story and share your experience!

YOUR STORIES
Post a new story to this section

Readers Experiences

This is what people are saying about life for LGBTI people in PHILIPPINES...
Iyaji (user currently living in PHILIPPINES) posted for lesbian readers on 20/02/2013 +8
link
Rigth Love at the Wrong Time
by : Iyaji

"We have the right love at the wrong time"

yan ang sabi s kantang "Somewhere Down the Road". Alam ko marami sa atin ang nakakaranas na magmahal sa maling pagkakataon o tao. Pero kailan ba natin masasabi o malalaman ang tamang pagkakataon? o sa tamang tao?

Ako nga po pala si Iyajii (hindi ko tunay na pangalan). Isa akong tomboy, tibo o kung anuman ang tawag ng ilan sa amin. Minsan na ako nagmahal at nasaktan pero pagkatapos ay hindi na nasundan pa. Oo, first time ko magkagirlfriend. Masasabi ko na masaya ako sa naging girlfriend ko kahit na sobra ako nasaktan. Gusto ko sana ibahagi sa lahat ang love story na 'to, sana ay magustuhan nyo.

Una ko nakilala si Rosa (hindi nya tunay na pangalan) sa kompanyang una kong pinagtrabahuan. 20 y/o palang ako nun at siya naman ay 24 y/o. Una ko palang siyang makita ay nalove at first sight na ako sa kanya. Hindi siya ganun kaganda pero napakasimple nya at mahinhin pa, pero may pagkamataray ang dating nya kaya medyo nahirapan ako makipagclose sa kanya.

One time nagkaroon ako ng pgkakataon makausap siya nung nagkasabay kami umuwi. Nung time na yun ay nkapagbiro ako at dun ko unang narinig ang tawa niya. Sa hindi ko malaman ang dahilan, lalo ako nainlove sa kanya dahil sa tawa niya. Para kasing ang sarap pakinggan. Simula nuon, walang araw na dumaan nang hindi ko siya napapatawa. At dahil dun naging malapit kami sa isat' isa. Lagi na kami magkasabay sa lahat ng bagay. Sa lunch, sa paguwi at kahit sa pagpunta lang ng C.R ay sabay pa kami. At dahil dun ay inakala ng mga kaofficemate namin na may relasyon na kami.

Isang araw kinausap ako ng tita nya na katrabaho din namin. Sinabi nito sa akin na engaged na daw si Rosa sa boyfriend nito. Nagulat ako pero hindi ako nagpahalata kasi alam ko na kaya niya ito sinasabi sa akin ay para iwasan ko si Rosa.

Kinabukasan, naisipan namin ni Rosa na tumambay muna sa Park (sa d'fort). At dun ko na din nabanggit sa kanya ang tungkol sa kasal.

"ikakasal ka na pla?" sabi ko habang nakatingin sa malayo.

"pano mo nalaman?" sagot nito na may pagtataka.

"sinabi sa akin ng tita mo kahapon"

"ahh.. oo, pero di ko nga sure kung tuloy pa yun eh"

"bakit?" para ako nagkaroon ng pagasa.

"kasi halos hindi na kami nagkikita at naguusap" may lungkot sa tono ng pagsasalita. "pero kung sakaling matuloy yun, gusto ko nandun k" nakangiting tumingin sa akin habang naghihintay ng isasagot ko.

"huh?! ayoko!" sa isip isip ko.. "putek! ano ba 'tong nasabi ko?!"

"bakit???" nakataas ang kilay ni Rosa.

"aahh.. try ko pero di ko sure ah hehe" balisa kong sagot

"basta asahan kita ah!"

ngumiti lang ako pero sa loob loob ko, sobrang nasasaktan ako. Kasi parang di ko ata kakayaning makitang naglalakad patungong altar ang babaeng mahal ko at ikakasal sa iba.

Nung mga oras na yun pakiramdam ko, para niya ko sinaksak sa dibdib at ibinaon pa niya. Gusto kong umiyak sa sobrang sakit. Gusto ko sabihin sa kanya na hindi ko kaya kasi mahal ko siya.. Pero hindi ko magawa. Tatlong buwan mula nung makilala ko siya ay itinago ko sa kanya na gusto ko siya dahil na din sa takot na baka iwasan niya ko at magbago siya sa kin.

Parang sasabog ang puso ko sobrang bigat dahil di ko masabi sa kanya ang totoo. Kaya inilabas ko na lang cp ko, binuksan ang calendar, at gumawa ng note sa petsa ng araw na yun at dun ko ilagay lahat ng gusto ko sabihin sa kanya ng mga oras na yun. At napansin niya ito.

"ano yan?" nakatingin sa cp ko

"huh?" gulat. "hindi wala 'to"

"sino ba yang katext mo?" sabay hablot sa cp ko.

"naloko na" pabulong habang hinihintay ang magiging reaksyon nya.

Matagal niyang hawak ang cp ko. Sa pagsulyap ko s cp ko, nakita ko na inililipat niya ang petsa ng calendar kung saan na may notes na nakalagay. Lahat kasi ng mga masasaya, lungkot, inis na nararamdaman ko sa tuwing magkasama kami ay inilalagay ko sa calendar ng cp ko.

Pagkatapos niyang basahin lahat ay nag aya na siyang umuwi. Habang naglalakad patungo sa sakayan jeep ay wala itong imik. Kinabahan ako sa reaksyon niyang iyon dahil baka nagalit siya sa nalaman niya.

"Para!" bigla ako nagising sa pagkakatulala ng marinig ko siya hudyat na bababa na siya ng jeep. Bago bumaba ay tumingin siya sa akin ng nakangiti "bye". Nagtaka ako bakit ganun. Ibig sabihin hindi siya nagalit?? Ang dami kong tanong ng mga oras na yun. Sobrang nalilito ako.

Pagdating ko sa bahay nakatanggap ako ng text galing sa kanya.

"Hi, asan ka na? nakauwi ka na ba? lam mo nakakainis ka, ganyan na pala nararamdaman mo sakin bakit hindi mo agad sinabi? tatlong buwan mo pang itinago, nakaya mo yun? hehe"

"pasensiya ka na, natakot kasi ako na baka iwasan mo ko eh"

"huh?! bakit ko naman gagawin yun? kaw na nga lang kasundo ko sa office eh"

"hindi ka ba galit sakin?"

"hindi, ang totoo niyan ang saya ko nga eh, kasi importante ka din sakin.. higit pa sa kaibigan"

"talaga?! ibig mong sabihin.. gusto mo din ako?"

"hmm siguro.. basta masaya ako pag andiyan ka., naiinis ako pag nakikita kitang may kausap na iba, pero alam naman natin na hindi pwede di ba?"

"ok lang kahit hanggang dito lang tayo, masaya na ko ngayong nalaman ko na importante din ako sayo.."

"basta promise mo na walang magbabago ah, promise mo din na diyan ka lang"

"PROMISE!"

Simula nuon, mas lumalim pa ang pagkakaibigan namin. At sa sobrang close namin, kumalat sa office ang tsimis na may relasyon kaming dalawa. Hindi naman namin yun pinansin dahil alam namin na walang katotohanan lahat ng yun. Pero ang tsismis na yun ay nakarating sa boyfriend ni Rosa.

Isang araw, sinabi sakin ni Rosa na hindi na muna siya sasabay paguwi dahil susunduin daw siya ng boyfriend niya. Nalungkot ako bigla dahil mukhang nagiging ok na ulit sila.

Makalipas ang ilang oras, dumating nga ang boyfriend niya. Pinapasok niya ito sa loob ng office at pinaupo sa tabi niya na katabi ko lang din. Hindi ako mapakali dahil naiilang ako at halos hindi ako makahinga dahil pakiramdam ko, sobrang liit na ng mundong ginagalawan namin. Kaya naisipan kong sumaglit muna sa rest room at dun magpakalma. Makalipas ang ilang minuto pabalik na ko sa office nang makita ko ang boyfriend ni Rosa sa labas ng office na para bang may hinihintay. Pagkakita nito sa akin ay agad ako nitong nilapitan.

"ikaw c iyajii di ba?" iniabot nito ang kanyang kamay para makipagkamay.

"ako nga bakit?" parang nagkaidea na ako kung bakit siya nandito., yun ay para kausapin ako.

"ako nga pala yung boyfriend ni Rosa at malapit na kami ikasal"

"ahh oo nabanggit na nga niya sakin"

"hmm siguro naman alam mo na kung bakit ako nagpunta dito? may mga naririnig kasi ako tungkol sa inyong dalawa ng girlfriend ko na hindi maganda, gusto ko lang malaman kung may relasyon nga ba kayo ng girlfriend ko"

"hahaha naku! hindi noh! binibigyan lang kasi nila ng ibang kahulugan yung pagiging malapit namin, wag kang maniwala dun"

"ganun ba? sana nga kasi hindi ako magdadalawang isip na bumalik dito para kausapin ka ulit pag napatunayan kong totoo yun, dahil sa tingin ko eh.. hindi mo magugustuhang magkita tayo ulit"

"wag ka magalala.. magkaibigan lang talga kami"

"sige.. salamat sa oras mo ah"

at nagkamayan kaming dalawa tanda ng magandang usapan.

Pagkatapos nuon ay minabuti kong umiwas na lang muna ke Rosa para na din makaiwas sa gulo. Kahit na mahirap iyun para sakin. Kinakausap ko pa din siya paminsan-minsan basta tungkol sa trabaho lang. Hindi ko na siya madalas na nakakausap, nakakasabay sa pagkain o paguwi gaya ng dati. Lahat nagbago. Nakikita ko siyang laging malungkot, matamlay at nagiisa. Halata na nasasaktan siya sa ginagawa kong pagiwas sa kanya.

Gamit ang skype, chinat niya ko.

"kailangan mo ba talaga ko iwasan?"

"oo para walang gulo"

"wala naman tayong ginagawang masama ah"

"pero iba ang nakikita nila sa atin pag magkasama tayo"

"nahihirapan na ko"

"mas lalo ako! kung alam mo lang"

ipagpapatuloy. . .
add response to story

Bookmark and Share